Ruffa may ipinagpapasalamat sa ex-husband

June 09, 2019

KUNG meron mang dapat pasalamatan si Ruffa Gutierrez sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas  kahit apat na taon lamang sila nagsama bilang mag-asawa ay ang pagkakaroon niya ng dalawang magagandang anak na sina Lorin at Venice now both in their teens.

Ruffa got her annulment ng marriage nila ni Yilmaz in 2012 making her single again.

As far as Yilmaz is concerned, the guy has remarried at pinadalhan pa niya ng wedding invitation si Ruffa.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ni Ruffa sa kanyang French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal na ayaw para sa kanya ng kanyang inang si Annabelle Rama.

Samantala, balik si Ruffa sa paggawa ng bagong TV series sa bakuran ng ABS-CBN sa pamamagitan ng reunion TV project ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim, ang “Love Thy Woman” na production ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.  Kasama rin sa nasabing serye sina Erich Gonzalez, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Jennifer Sevilla, Jana Victoria, Tim Yap at iba pa.