Ruru Madrid ibinahagi ang mga natutunan ngayong naka-quarantine

May 29, 2020
Ruru Madrid
Ruru Madrid

MAY realizations daw ang Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid habang naka-quarantine sa bahay bunsod ng COVID-19 pandemic. Kuwento ng aktor, mas nalaman niya ang importansya ng pamilya sa mga ganitong sitwasyon. 

Aniya, "Because of COVID-19, na-realize ko na dapat every single moment, ini-enjoy na natin. I mean, 'yung mga panahon na puwede pa nating sabihin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila, sabihin na natin hangga't kaya nating sabihin. Kasi, hindi natin alam kung ano 'yung mangyayari."

Dagdag pa ni Ruru, sinasamantala rin daw niya ang panahon na ito para tumuklas ng mga bagong pagkakaabalahan o hobbies.

Samantala, kasalukuyang napapanood ngayon ang rerun ng kinabibilangan niyang telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.