Ryle mas close sa stepfather kaysa tunay na ama

September 03, 2019
Ryle Santiago

KAPAMILYA actor-dancer Ryle Santiago was three years old nang magkahiwalay ang kanyang parents, ang actress na si Sherilyn Reyes at ang production executive ng ABS-CBN na si Junjun Santiago.  

Sherilyn has remarried at naging pangalawangmister niya ang dating basketball player-turned businessman na si Chris Tan kung kanino siya may dalawang anak ngayon, sina Lorenz at Anya Sabrina.

Dapat sana’y ia-adopt ni Chris si Ryle pero hindi pumayag ang biological dad na si Junjun Santiago, nakababatang kapatid nina Randy at Rowell Santiago at elder brother ni Raymart Santiago.

At 20 (turning 21 on October 1), hindi ikinakaila ni Ryle na hindi sila close ng kanyang biological father nasi Junjun at ang relasyon umano nila ay parang employer-employee relationship lamang dahil ito(Junjun) ang tumatayong business unit head ng noontime show na “It’s Showtime” kung saan nabuoang all-male dance group na Hashtags kung saankabilang si Ryle.  Pero wala umano sa mag-ama ang father and son relationship na hinahanap ni Ryle sakanyang ama.

Gayunpaman, bukas umano si Ryle sa anumangpuwedeng mangyari sa kanila ng kanyang ama.

Kinamulatan na ni Ryle bilang ama si Chris Tan nahindi nagdamot ng pagmamahal sa kanya bilang anak.  Sa kanyang puso’t isipan ay si Chris umano ang kanyang ama kahit alam niyang biologically ay siJunjun ang kanyang tunay na ama.

Legally, Ryle is a Santiago at hindi niya itoikinakaila at malapit umano siya sa kanyang mgatiyuhing sina Randy at Rowell except for Raymart nabihira umano niyang makita.  May dalawa pa siyatiyahin na kapatid nina Randy, Rowell, Junjun at Raymart, sina Rhea at Resciel.

Kahit step-father lamang ni Ryle si Chris, hindi umano itonagkulang sa kanya ng pag-aaruga at pagmamahal ng isang tunay na ama kaya mahal na mahal niya ito.

Since hindi magamit ni Ryle ang apelyidong Tan, ito ang gamit niya sa kanyang social media account at nagpalagay pa siya ng Tan na tattoo sa kanyang kanangwrist isang patunay na proud siya sa family name ng kanyang stepdad.

Sa part naman ng mag-asawang Sherilyn at Chris, umaasa rin sila na maging okey ang relasyon ni Ryle sakanyang biological father na si Junjun balang araw.  Ayaw ni Sherilyn na may bitbit na hinanakit  at samang loob si Ryle sa kanyang tunay na ama.

Ang mag-asawang Chris at Sherilyn ay 100% naka-suporta kay Ryle.

Speaking of Ryle, alam  niya na magkakani-kanyasila ng kanyang mga kasamahan sa Hashtags para harapin ang kanilang individual paths at bukas din umano siya sa posibilidad na ma-disband ang kanilangdance group balang araw.

Still on Ryle, matapos itong ma-link kay Kira Balinger ay nali-link ito ngayon sa Kapuso young actress na si Pauline Mendoza na kasama niya sa isangproduct endorsement.

Ayon kay Ryle, marami umano silang common interest ni Pauline pero hindi pa umano niya itogirlfriend sa ngayon.