Ryza five months pregnant sa cinematographer

July 01, 2020
Ryza Cenon
Ryza Cenon

GINULAT ng GMA’s Starstruck Season 2 Ultimate Female Survivor-turned actress na si Ryza Cenon ang marami nang ito’y lumantad sa publiko now five months heavy with her first baby courtesy of her cinematographer boyfriend na nagngangalang Miguel Antonio Cruz. The two were introduced by a common friend.

It was in 2018 nang mapabalitang nagkahiway sina Ryza at dating nobyo nitong si Cholo Barretto from the famous Barretto clan.  Prior to their break-up ay kumalas din ang actress sa kanyang dating home studio, ang GMA at lumagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) at kasunod na rito ang kanyang sunud-sunod na mga proyekto sa bakuran ng ABS-CBN na sinimulan ng guesting sa long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin at “The General’s Daughter” na pinangunahan ni Angel Locsin.

Kasama rin si Ryzasa “A Soldier’s Heart” pero dahil sa kanyang kalagayan ngayon ay malamang inalis na ang kanyang character sa serye.

Ryza rose to fame nang kanyang gampanan ang papel ni Georgia sa hit afternoon TV series ng GMA na “Ika-6 na Utos” na pinagsamahan nila nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.  Ito rin bale ang huling serye na ginawa ng actress sa Kapuso network bago lumagda ng bagong management contract with VAA and eventually maging visible sa mga program ng rival network, ang ABS-CBN.

Since 32 na (turning 33 on December 21) si Ryza, she can already decide for herself.

Ryza was only three years old nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina dahil sa stomach cancer.  Her OFW father remarried pero nagkahiwalay din kaya nag-desisyon siyang lumipat sa pangangalaga ng kanyangmaternal grandmother in Sta. Rosa, Laguna.

In early 2016, dumaan din sa matinding depression ang actress at nag-attempt itong mag-suicide.  Bukod sa acting, ibinaling niya ang kanyang attention sa pagpipinta at nagkaroon pa siya ng painting exhibit nung June 9, 2016 in San Juan City.  Nagkahilig din siya sa archery. 

Nag-aral din si Ryza sa Culinary Arts Manila at naging daan ng pagbubukas niya ng sariling business, ang PaBuritto.

When she moved to Viva, agad siya nabigyan ng bagong movie assignment, ang “Mr. & Mrs. Cruz” na pinagtambalan nila ni JC Santos.  Ang nasabing pelikula ay naging kalahok  din sa Osaka Film Festival kung saan siya nanalong Best Actress (Yakushi Pearl Award). 

Ang first acting award ni Ryza ay nung 2006 mula sa Star Awards for Movies ng PMPC para sa pelikulang “Lovestruck”.

In  2017 and 2018 ay magkasunod siyang nakatanggap ng parangal mula sa 7th OFW Gawad Parangal at mula sa ika-49 Box Office Entertainment Awards as Best Supporting Actress (for TV) dahil sa kanyang mahusay na performance sa “Ika-6 na Utos” TV series on GMA.

Now that Ryza is facing another phase ng kanyang buhay, gusto niyang pahalagahan ang kanyang bagong relasyon at ang buhay ng na sa kanyang sinapupunan.

The actress is due to give birth sometime in November this year.

Samantala, may dalawang pelikulang ginagawa si Ryza sa Viva nang ito’y abutan ng lockdown, ang “Sa Muli” with Xian Lim at ang “Kunwari Mahal Kita” with Joseph Marco.