Ryza maapektuhan ang career dahil sa pagbubuntis

July 06, 2020
Ryza Cenon

SOMETIME in late October or early November this year ay ganap nang isang ina ang Starstruck (Season 2) Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon kapag isinilang niya ang first  baby with cinematographer partner na si Miguel Cruz. The couple is expecting a baby boy.

Dahil sa pagbubuntis ni Ryza, malamang na `pinatay’ na ang kanyang character sa primetime TV series na “A Soldier’s Heart”  na pinangungunahan ni Gerald Anderson.  Meron din siyang dalawang unfinished movies sa bakuran ng Viva Films, ang “Sa Muli” na pinagtatambalan nila ni Xian Lim mula sa pamamahala ng ex-PBB housemate ng Fifth Solomon at ang pelikulang “Kunwari Mahal Kita” opposite Joseph Marco with  Dick Lindayag at the helm at kung saan din tampok ang nagbabalik na si Nathalie Hart.  

It was in 2017 nang lumipat si Ryza sa pamamahala ng Viva Artists Management from GMA Artists Center.  From then on ay naging visible na ang actress sa mga TV series ng Kapamilya Network na kanyang sinimulan sa action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”