Home>Entertainment>Showbiz>Ryza nagsilang ng first baby

Ryza nagsilang ng first baby

Ryza Cenon and Baby Night
Ryza Cenon and Baby Night

NAGSILANG na ng kanyang first baby ang dating Kapuso actress na si Ryza Cenon sa kanyang present partner na si Miguel Cruz, isang baby boy na kanilang pinangalanang Night, last Saturday, October 31.

It was last July 1 nang i-post ni Ryza sa kanyang Instagram account ang pagbubuntis when she was almost six months pregnant already. Doon din niya ipinakilala ang kanyang bagong partner, ang photographer na si Miguel Anton Cruz.

Si Ryza ay produkto ng 2nd season ng reality talent search ng GMA, ang “Starstruck” where she was proclaimed as the Ultimate Female Survivor nung 2004. Nakilala naman siya nang husto sa TV series na “Ika-6 naUtos” kung saan niya naka-bituin sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon. Pagkatapos nito ay saka siya lumipat sa bakuran ng Viva Artists Agency (VAA) at naging bida sa pelikulang ‘Mr and Mrs Cruz.’ Naging visible sa iba’t ibangprograma ng ABS-CBN na ang pinakahuli ay ang recently-concluded TV series na “A Soldier’s Heart”.

Bago ang kanyang present partner na si Miguel, Ryza was in a long relationship with actor Cholo Barretto.

Regine nanganak din

IT was also last Saturday, October 31 nang isinilang ng model-actress na si Regine Angeles ang second baby nila ng kanyang husband, ang model nasi Van Victor Leano na isang baby girl. The couple named their baby Kaia Rosalie.

Ang panganay na anak ng mag-asawang Regine at Van ay si Alesso, now three years old.

Si Regine ay nagmula sa “Be Bench/The Model Search of ABS-CBN” at naging part ng Star Magic roster of talents. Pero lately ay madalas siyang mapanood sa mga serye ng GMA.

Live-in partner ni Geoff nanganak sa pangatlo

BAGO pa man ikasal (hopefully in 2021) ang engaged couple sina Geoff Eigenmann at Maya Flores ay meron na silang tatlong supling, ang kanilang panganay na si Arabella Simone (3), Angus (1) at ang bagong silang last October 31 na si Penelope Rose or Pepper.

Si Geoff ay isa sa tatlong anak na lalake ng estranged couple na sina Michael de Mesa at Gina Alajar. Ang dalawa pa ay sina Ryan at AJ Eigenmann.

Geoff was in a long relationship with Kapuso actress Carla Abellana na ang nobyo naman ngayon ay ang ex-PBB housemate-turned actor na si Tom Rodriguez.

Giselle at Emil nag-renew ng wedding vows

Emil Buencamino and Giselle Sanchez
Emil Buencamino and Giselle Sanchez

KUNG tatlong celebrity babies ang isinilang nung nakaraang Biyernes, October 31, sa araw namang ito muling nag-renew ng kanilang wedding vows ang mag-asawang Giselle Sanchez at Emil Buencamino on their 20th year na ginanap sa garden ng Daughter’s of St. Anne Convent in Cubao, Quezon City. The couple got married in 2000 at meron na silang dalawang anak – sina Lia at Xavier.

Si Emil ay Chevron IT professional habang si Giselle ay kilala sa pagiging singer, actress at host-comedienne.

Si Giselle ay elementary and high school valedictorian sa Pedro Poveda College at nagtapos naman siyang magna cum laude sa University of the Philippines.

Kasal nina Alex at Mikee naudlot dahil sa COVID-19

JUST very recently ay nagdiwang ng kanilang ika-4th anniversary bilang magkasintahan ang engaged couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Alex got engaged to businessman-politician Mikee last December 27, 2019 habang sila’y naglalakad sa may 1881 Heritage in Hong Kong kasama ang parents ni Alex na sina Pinty and Bonoy Gonzaga. The couple was supposed to get married in a simple wedding rites last month nang mag-positibo sa Covid-19 (mild symptoms) ang pamilya ni Alex gayundin si Mikee at assistant ni Alex na si Sophie pero pare-pareho na silang magaling ngayon.

Si Alex ay nagtapos sa University of Asia and the Pacific habang sa University of California (UCLA) naman si Mikee na nagmula sa isang prominenteng pamilya sa Lipa City. Si Mikee ay isang konsehal sa Lipa.

Pat-P nagpaalam na rin sa ABS-CBN

Pat-P Daza, Peter Musngi and Vice-Ganda.
Pat-P Daza with former DZMM partner Peter Musngi and Vice- Ganda.

NAGPAALAM na si Pat-P Daza sa kanilang tambalan sa teleradyo sa DZMM ni Peter Musngi last Friday, October 30 gayundin sa kanyang pagiging isa sa mga executives ng ABS-CBN na kanyang pinaglingkuran ng dalawangdekada.

Pat-P is joining Albee Benitez’ newly-formed production company, Brightlight Productions, the company behind several programs airing on TV5 tulad ng daily noontime show na “Lunch Out Loud” (LOL), ang Sunday musical variety show na “Sunday Lunch Live” (SLL), ang Sunday afternoon gag show na “Sunday Kada,” isang weekly TV series and weekly family sitcom, among others.

Kasama na rin sa Brightlight Productions ang long-time partners na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto na mga kilalang starmakers sa ABS-CBN.

Si Pat-P ay isa sa mga anak ng popular veteran journalist at dating TV host na si Julie Yap-Daza.

Liz masaya kahit bina-bash

CELEBRITY fashion stylist Liz Uy shared on Instagram last October 27 that she’s finally engaged to businessman Raymond Racaza, former husband of internist and rheumatologist Dr. Geraldine `Ging’ Zamora with whom she has a daughter.

Ang aktres na si Isabelle Daza ang nagpakilala kina Liz at Raymond in 2016. The couple now has a three-year-old son na si Xavi.

Agad namang nagpaabot ng pagbati kay Liz ang ilan sa kanyang mga celebrity friends tulad ni Isabelle, Anne Curtis, Georgina Wilson, Iza Calzado at iba pa. Pero ang ibang netizens ay hindi ito naibigan dahil buo pa umano ang relasyon noon ni Raymond sa kanyang misis nang magkaroon ng relasyon sina Raymond at Liz. Pero sa halip na pansinin ang mga basher ay gustong pahalagahan ni Liz ang happiness na kanyang nadarama ngayon sa piling ni Raymond at anak nilang si Xavi.

Si Liz ay naging kasintahan noon ng actor na si John Lloyd Cruz at na-link din siya kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kring Kring umaasang babalik na ang sigla ng negosyo

HOPEFUL ang singer-actress at dating politician nasi Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na babalik din sa dati ang sigla ng mga events place and restaurants.

The First Lady of Tacloban is now focusing her attention in running her various businesses at kasama na rito ang Patio Victoria with branches in Intramuros, Manila at sa Tacloban City kung saan mayor ang kanyang husband na si Alfred Romualdez.

Bago bumalik sa pagiging mayor ng Tacloban si Mayor Alfred ay nanilbihang ding mayor ng naturang lungsod si Kring-Kring sa loob ng isang term or three years.

The couple has two daughters, sina Sofia at Diana na parehong musically inclined.