Sa KapareWho ng Showtime, may nagka-tuluyan

June 20, 2019

SAMANTALA, tuwing Biyernes sa “It’s Showtime” sa compatibility segment nitong “KapareWho Surprise” may mga sumasaling iba’t ibang celebrities. Ang komento ng iba, karamihan daw naman sa mga ito, kung hindi laos ay mga 'di masyadong kilala.

Kung sikat ba, sasali ba sila rito? Think again. Mabuti nga, tulad sa Ang Probinsyano, nabibigyan sila ng pagkakataon na mapanood pa sa TV. Matatandaang sina Via Veloso and Katrina Paula, na piniling kapares ang basketball player na si Mark Andaya at ang Itchyworms bassist na si Kelvin Yu, ay napanood dito, gayundin sina Jeric Raval, Mon Confiado, Keempee de Leon, Carlos Agassi, at Wowie De Guzman months ago.

Noong nakaraang linggo naman, itinampok ang senior citizens na gustong magsimula ng pagkakaibigan, gaya ng isang 67 anyos na ballroom dancer na nakapares ang isang Pinoy na taga-Hawaii, at isang 75 anyos na financial consultant na pinili ang isang dating scuba diver.

Parang dating app sa internet. In fact, may mga sumali rito na nagkatuluyan na sa tunay na buhay.