Sa linggo malalaman kung sino ang mawawala sa 'ASAP'

November 13, 2018
Regine Velasquez Alcasid
Regine Velasquez Alcasid

MALAPIT sa isa’t isa ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at Pop Star na si Sarah Geronimo dahil ang una ang host noon ng “Star for Night,” isang reality singing competition ng IBC-13 na co-production ng Viva TV kung saan naging champion ang huli in 2003. Pumangalawa kay Sarah ang singer-actor na si Mark Bautista.

Sina Sarah at Mark ay parehong nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA).

Ngayong nasa iisang TV network na sina Regine at Sarah, magkasama na ang dalawa sa bagong reformat na “ASAP” simula ngayong Linggo. Hindi na rin magiging imposible ang pagsasama ng dalawang singing icons sa iba pang programa at proyekto ng Kapamilya Network in the future.

Malalaman pa lamang this coming Sunday kung sinu-sino ang mananatili sa bagong “ASAP” at kung sinu-sino naman ang natanggal sa longest-running Sunday musical show.

Samantala, ngayong Sunday na rin ilu-launch sa bagong ASAP ang pinakabagong Christmas Station ID ng ABS-CBN na tinatampukan ng mahigit 400 stars and talents ng Kapamilya Network at kasama sa nasabing station ID ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid.