Sakitan sa teleserye, ’di maiiwasan -- Jean

December 21, 2018
Jean Garcia

Inamin ng seasoned actress na si Jean Garcia na hindi talaga maiiwasan na magkasakitan tuwing may confrontation at fight scenes na ginagawa sa serye.

Kwento ni Jean, gumaganap na Eloisa sa GMA Afternoon Prime soap na Ika-5 Utos, pinag-uusapan muna nila ng kanyang co-stars kung paano nila mai-execute ang isang sensitibo at delikadong eksena para maiwasan ang aksidente sa taping.

“Siyempre, in real life naman kapag nakikipag-away ka, talagang magkakasakitan kayo, pero mga artista naman kami kaya alalay lang. Hangga’t maaari, ayaw naming dayain, like may totoong mga sampal, ’yung sabunot, sometimes, nagiging totoo lalo na kapag na-carried away kayo sa eksena pero dapat alalay pa rin,” paliwanag ni Jean.

Samantala, masasampal ni Eloisa si Brix (Jeric Gonzales) dahil hindi niya mapipigilan ang kanyang galit dahil sa matinding pagmamahal kay Candy (Klea Pineda).

Subaybayan ang umiinit na mga tagpo sa Ika-5 Utos, pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA-7.