Sam, clueless sa panggagaya ni Echo

December 11, 2018
Jericho Rosales

Si Sam Milby pala ang naging motivation ni Jericho Rosales para magampanan ang kanyang role sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na The Girl in the Orange Dress ng Quantum Films.

Isang sikat na artista ang role ni Echo na si Rye del Rosario at kwento ng aktor,  tuwing nasa set sila ng teleseryeng Halik, kung saan kasama niya si Sam, pinag-aaralan daw niya ang aktor nang hindi nito alam.

“Siya ’yung pinag-aaralan ko ’pag nandu’n ako sa set. Kasi medyo Inglesero, ’di ba (si Rye)? Inglesero si Sam, so nilagyan ko ng Sam Milby, Jericho Rosales saka a little bit of Rye del Rosario (pangalan ng karakter niya), parang ganu’n.

“So, ganu’n siya. Hindi niya (Sam) alam ’yun. Ngayon, alam na niya,” natatawang sabi pa ni Echo.

Kasama ni Echo bilang leading lady sa pelikula si Jessy Mendiola, na first time niyang nakatrabaho, mula sa direksyon ni Jay Abella.