Sanggol na premature, sinaklolohan ni Ai-Ai!

November 21, 2018
Ai-Ai de las Alas & Gerald Sibayan
Ai-Ai de las Alas & hubby Gerald Sibayan

TINUGUNAN ni Ai-Ai de las Alas ang hinaing ng isang netizen (@jadpaosantos) na humingi ng tulong para sa anak niyang two months na sa ospital dahil premature (six months) nang ipanganak.

Nakita ni Ai ang request ng netizen nang i-post niya ang pagbati niya sa Instagram sa birthday ng father ni Gerald (Sibayan), si Papa Greg.

Sa komento ng netizen, naglakas-loob lang siyang magsabi ng problema sa comedy queen.

Ipinaliwanag pa niya na iba’t ibang sakit na ang dumapo sa anak niya at P1,000 a day ang bill nila at nasa incubator pa ang bata.

Naantig ang damdamin ni Ai kaya tinanong na niya ito ng, “Saan po ba kayong ospital?”  

Bihira ang mga artistang katulad ni Ai-Ai na tumutugon sa followers niyang humihingi ng tulong.

Hindi natin sila masisisi dahil kalat din ang manloloko sa social media.

But Ai-Ai knows better at hindi basta-basta magpapahatid ng tulong nang hindi nagsisiyasat, huh!