Sanya bagong GSM calendar girl

October 25, 2019
Sanya Lopez

ANG 23-year-old Kapuso  rising star na si Sanya Lopez ang pinakabagong The Island Girl ng Ginebra San Miguel Calendar 2020.  She was formally launched  to the media last Thursday (October 25) afternoon sa Novotel in Araneta City in Cubao, Quezon City.    

Ayon sa nakababatang kapatid ng Kapuso actor na si Jak Roberto na hindi siya makapaniwala na siya ang susunod sa 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na siyang kasalukuyang Calendar Girl 2019 ng Ginebra San Miguel.  Mapapabilang na rin si Sanya sa napakaraming  Calendar Girls na sinimulan ni Monina Tan in 1988 kung saan din kabilang sina Anjanette Abayari, Alma Concepcion, Michelle Aldana, Janna Victoria, Aubrey Miles, Geneva Cruz, Rica Peralejo, Angelica Panganiban, Belinda Bright, Maricar de Mesa, Maureen Larrazabal, Iwa Moto, Krista Ranillo, Solenn Heussaff, Kim Domingo,  Marian Rivera, Anne Curtis, Georgina Wilson, Ellen Adarna, Arci Munoz at  Myrtle Sarrosa.  Siya ang ika-32 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel which was inspired from the hit American TV series “Charlie’s Angels.”

It was in 2012 nang mamataan si Sanya ng namayapang actor-comedian-host-producer and star builder na si Kuya Germs sa studio ng “Walang Tulugan with the Master Showman” nang ito’y sumama sa kanyang kuya (Jak Roberto) na isa na noon sa mga mainstay ng late night program.  

When Kuya Germs passed on in January 2016, in-absorb ng GMA Artists Center ang ilan sa mga talents ng WTWTMS at kasama na roon ang magkapatid na Jak at Sanya.

Kahit nung nabubuhay pa si Kuya Germs ay may mga projects na sa Kapuso network si Sanya tulad ng TV series na “Dormitoryo” in 2013 na sinundan ng “The Half-Sister” at the “Millionaire’s Wife” na sinundan ng TV remake ng “Encantadia”.  Sumunod na rito ang “Haplos,” “Cain at Abel” at “Dahil sa Pag-ibig”.

Sa buong taon ng 2020 ay magiging busy si Sanya sa mga promo activities ng Ginebra San Miguel bilang “Island Girl” ng nasabing brand ng inumin.