Sanya Lopez paano name-maintain ang kanyang sexy figure

May 23, 2020
Sanya Lopez
Sanya Lopez

BINABANTAYAN pa rin ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang kanyang kalusugan kahit na umiiral ang community quarantine.

Ayon kay Sanya, siya na mismo ang nagluluto ng kanyang mga kinakain para mabantayan niya ang kanyang diet. “Ngayon po, nagkaroon na po ako ng time mag-work out nang mas matagal. Ako na rin po mismo ang nagluluto ng sarili kong pagkain para mas nababantayan ko po 'yung diet ko. At tine-take advantage ko na rin itong panahon na 'to para makatulog nang mas matagal,” aniya. 

Samantala, kasalukuyang ipinapalabas muli ang requel ng Encantadia sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras kung saan gumanap si Sanya bilang Sang'gre Danaya.

“Nakakatawa po dahil kung noon po ay marami nang nakanood ng Encantadia, ay mas marami pa po ang nanonood ngayon dahil quarantined. Alam niyo naman po na napakahalaga po sa akin ang Encantadia dahil dito po ako nabigyan ng break,” pagbabahagi ng Kapuso actress.