Sarah aso ang co-actor sa pelikula

October 08, 2019
Sarah Geronimo

MATAPOS mapanood ang Pop Star na si Sarah Geronimo sa hit local remake ng Korean movie na “Ms. Granny” nung isang taon kung saan niya nakasama sina Nova Villa, Xian Lim at James Reid, isang kakaibang Sarah ang matutunghayan sa kanyang 2019 movie na “Unforgettable” na magkatulong na pinamahalaan ng mag-partner na sina Jun Robles Lana at Perci Intalan under Viva Films.

Walang leading man si Sarah sa “Unforgettable” dahil ang asong si Milo (as Happy in the movie) ang  kanyang ‘co-star’.

Kasama rin sa movie sina Gina Pareno, Ara Mina, Yalo Aguila, Kim Molina, Meg Imperial at Kaleb Santos at kung saan may special guest participation sina Regine Velasquez-Alcasid, Anne Curtis, Tirso Cruz III, Cherie Gil at Marco Gumabao.

Samantala, magmula nang mawala sa bakuran ng Viva ang kanilang original prime star na si Sharon Cuneta ay si Sarah Geronimo na ang pumalit sa binakanteng puwesto ng megastar plus other prized stars ng kumpanya tulad nina Anne Curtis, Nadine Lustre, Cristine Reyes, Bela Padilla, Billy Crawford, Xian Lim, Matteo Guidicelli, Marco Gumabao, Ryza Cenon, Louise de los Reyes, Yam Concepcion,  at marami pang iba.