Home>Entertainment>Showbiz>Sarah at Matteo wala pang planong magkaroon ng baby?

Sarah at Matteo wala pang planong magkaroon ng baby?

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli with Paolo and Giorgia, husband Ian Dato and Baby Gianna Francheska

MATTEO Guidicelli’s younger sister, Giorgia has given birth to her and lawyer husband Ian Dato’s firstborn nasi Gianna Francesca nung nakaraang buwan (October).

Two months apart lamang ang wedding ng magkapatid na Giorgia at Matteo to Pop Princess Sarah Geronimo. Si Giorgia ay ikinasal sa kanyang mister na si Ian nung December 8, 2019 habang sina Matteo at Sarah ay ikinasal naman sa isang intimate Christian wedding rites nung February 20, 2020. Marami na rin ang naghihintay sa pagdating ng first baby nina Mateo at Sarah na mukhang ini-enjoy muna ang kanilang relasyon bilang mag-asawa bago ang pagpa-plano ng kanilang baby.

Sarah is 32 at 30 naman si Matteo.

2020 Disney Christmas ad very Filipino

SINO kaya ang nasa likod ng 2020 Disney Christmas advertisement?

Tiyak na proud at masaya ang mga Filipino all over the world dahil ang ginamit na Christmas theme ng Disney ay ang Filipino Christmas tradition. Ang mga character ng lola (grandmother), tatay, nanay, anak, Christmas lanterns ay Filipino settings. Ipinakita rin ang pagmamano ng bata sa kanyang dumating na ama na may pasalubong na Mickey Mouse stuffed toy.

Ang ganda!

Sa totoo lang, nakaka-touch ang bagong Disney Christmas advertisement nang ito’y ipalabas sa “TV Patrol” last Tuesday evening.

Ang Pilipinas ang kaisa-isangbansanamahaba ang selebrasyon ng Pasko. Pagsampa pa lamang ng Ber months nasinisimulan ng buwan ng September ay ramdam na ang nalalapit na Kapaskuhan. As early as this month ay nagsisimula nang makita ang mga Christmas decoration sa mga bahay, malls at iba’t ibanglugar.

Kudos to the creator of the 2020 Christmas advertisement ng Disney.

Kamala’s rise to American politics hierarchy

NAGBUBUNYI ngayon ang Americans and even non-Americans hindi lamang sa Estados Unidos kundi sa buong mundo, gayundin ang maraming Hollywood stars, actors, singers and musicians and celebrities from around the world sa pagkakapanalo ng tandem nina Sen. Joe Biden at Sen. Kamala Harris na Democratic Party. Ang dalawang senador ang pinakabagong Presidente at Vice-President elect ng Amerika nung nakaraang Sabado, November 7, 2020, both making history in American politics laluna si Sen. Harris na kauna-unahang nahalal na female Vice-President sa America.

Isa sa mga local artist na masayang-masaya sa pagkakapanalo ng tandem ay ang Filipino Broadway Diva at Tony award-winning singer-actress na si Lea Salonga who met U.S. President-elect Joe Biden sa Tony Awards in 2017.

Si Harris din ang kauna-unahang African-American at first Asian-American to hold the position. Siya’y ipinanganak sa Oakland, California, USA nung October 20, 1964. She’s now 56 years old.

Ang ina ni Kamala na si Shymala Gopalan from Tamil Nadu, India ay isang Indian national who migrated to the US in 1958, at isa siyang biologist-professor. Ang ama naman niya na si Donald J. Harris ay isang British Jamaican na nag-migrate sa Amerika in 1961. He is a professor emeritus of economics sa Stanford University. He received his PhD in environment sa University of California in Berkeley in 1966.

Si Samala ay may younger sister na si Maya whom she has a close relationship with both sa personal at professional.

Seven years old pa lamang noon si Samala nang magkahiwalay ang kanyang parents. As young kids, she and her younger sister Maya ay uma-attend sa African-American church in Oakland at sumasali sila sa children’s choir but was also introduced by their mother sa Hinduism at sila’y sumasamba sa Hindu Temple. Dumadalaw din sila sa pamilya ng kanilang maternal family sa Madras (now Chennai) kung kanino sila close sa kanilang lolo na si P.V. Gopalan, isang retired Indian civil servant kung kanino namana ni Kamala ang kanyang progressive views on democracy and women’s rights. Close din ang magkapatid sa kanilang Indian aunts and uncles. Bumibisita rin sila sa kanilang ama sa Palo Alto at doon nila naranasan ang pag-iwas sa kanila ng mga American white children na ayaw makipaglaro sa kanila dahil sa kanilang kulay.

Twelve years old si Kamala nang sila’y dalhin with her sister ng kanilang ina sa Quebec, Montreal in Canada dahil tinanggap nito ang research and teaching job sa McGill University. Nag-graduate ng high school si Kamala in 1981 sa Westmont High School in Quebec then attended Howard University, a historically black university in Washington, D.C. In 1986 ay nagtapos siya ng Political Science and Economics. Pagkatapos ay bumalik siya ng California at nag-aral ng abogasya sa University of California, Hastings College of the Law. She graduated with a Juris Doctor in 1989 at natanggap sa California Bar nung June 1990.

Si Kamala ay nagsimula sa kanyang career sa Alameda County District Attorney’s Office na sinundan ng San Francisco District Attorney’s Office at City Attorney of San Francisco’s Office. Nung 2003, she was elected as the District Attorney ng San Francisco, California na sinundan as Attorney General ng California nung 2010 and reelected for the same position in 2014.

In 2017 ay tumakbo si Kamala sa pagka-senador (from California) at sila’y nanalo. Bilang senador, nakilala nang husto si Kamala nang kuwestyunin niya ang appointment ni Pres. Donald Trump sa pangalawalang Supreme Court nominee na si Brett Kavanaugh who was accused of sexual assault.

On August 11, 2020, Harris was announced by the Democratic Party as Joe Biden’s running mate as Vice-President.

Kamala is married to a divorcee na si Douglas Emhoff na isa ring lawyer with two grown up children na sina Cole at Ella na parehong very close sa kanya. Kamala and Doug started dating in 2014 and got married in 2015. Sa simula pa lamang ng kanilang pagkikita ng mga anak ni Doug ay agad sila nagkapalagayan ng loob ng mga bata.

“They are my endless source of love and joy,” pahayag ni Kamala sa kanyang dalawang step children and how much Cole and Ella mean to her.

Close din siya sa ex-wife ni Douglas na si Kerstin, co-founder at chief officer ng isang production company who even offered help sa kanyang kandidatura.

Nagsimulang maging close sina Kamala at Kerstin sa mga school activities ni Ella tulad ng swimming and basketball na nung umpisa ay nai-embarrass dahil naroon pareho ang kanyang biological mom at step-mom with her dad and brother nasi Cole.

Momala ang tawag kay Kamala ng kanyang stepkids who consider her as their second mother.

Simula sa January 21, 2021 ay uupo na pareho sina Senators Joe Biden at Kamala Harris bilang pinakabagong President and Vice-President ng Amerika. Si Doug ay tatayong Second Gentleman.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger