Sarah G. bride in 2020

June 07, 2019
Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

MAGPAPAKASAL na raw si Sarah Geronimo next year.

Ayon sa aming reliable source na malapit sa Popstar Royalty, tuloy na raw ang kasalang Sarah at Matteo Guidecelli. Sa totoo lang, hindi na bago ito dahil matagal na itong usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz. Pero, coming from our “source,” itataya namin ang aming kredibilidad sa tsikang ito. Dahil hangad din namin na matuloy na sa altar ang pag-iibigan nila, tutal mahaba na rin ang iprinisisyon ng kanilang relasyon. Honestly, they deserve each other.

Marahil ito ang dahilan kung bakit tinatapos na ang projects na naka-line up ngayon para sa singer-actress. She’s now filming Unforgettable under the directorial tandem of Perci Intalan and Jun Lana. Katatapos rin niyang i-launch ang kanyang beauty brand na Pop Studio. Kakapanalo rin niya bilang Best Actress sa 35th PMPC Star Awards for Movies kamakailan. Plus, her singing engagements here and abroad. At bukod sa kanyang regular hosting sa ASAP Natin ‘To!, kumpirmado na rin ang kanyang pagbabalik bilang coach sa The Voice Kids Season 3.

Base sa kanyang work load, hindi pinababayaan ni Sarah ang regular bonding nila ni Matteo. Kaya naman kitang-kita ang genuine happiness sa mukha ng dalaga. At kahit super busy, ganadong-ganado naman siya sa kanyang ginagawa. Relaxed na siya ngayon.

Kung tuloy na nga ang kasalan, magpu-propose na rin kaya si Matteo kay Sarah bago magtapos ang taong 2019? Just asking...

Disclaimer:
For comments and reactions, call or text 0908-603-2179 or email us at justasking_pj@yahoo.com