Sarah mataas pa rin ang pagtingin kay Regine

July 10, 2019

SI Direk Jun Lana ang director ng bagong movie ng Pop Princess na si Sarah Geronimo,  line produced ng IdeaFirst Company for Viva Films na pinamagatang “Unforgettable” kung saan mga kabituin ni Sarah sina Gina Pareño, Ara Mina, Meg Imperial, Kim Molina at iba pa at kung saan may special guest appearance ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Although regular nang nagkakasama sina Regine at Sarah sa “ASAP Natin `To” tuwing Linggo, hindi ikinakaila ng popstar na nananatiling idol niya ang misis ni Ogie Alcasid.

Hinding-hindi makakalimutan ni Sarah nang siya’y maging champion sa singing competition na “A Star for A Night” kung saan si Regine ang host.  At that time ay 14 pa lamang si Sarah at ito ang naging daan ng pagsabak niya sa showbiz when she was signed up into a long management contract with Viva Artists Agency (VAA), her management company since then.

Samantala, wala pang sinasabi kung sino ang gaganap na leading man ni Sarah sa “Unforgettable”.