Sarah, Matteo absent sa Star Magic Ball

September 17, 2019

NUNG isang taon ay first time na dumalo ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa ABS-CBN Ball na kasama ang nobyong si Matteo Guidicelli pero this year ay no-show ang dalawa due to previous commitments.  Hindi rin nakadalo ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil nataon naman ito sa kaarawan ng ama  ni Luis na si Edu Manzano.  Hindi rin nakadalo sa nasabing okasyon ang iba pang Kapamilya stars and talents including Angel Locsin and Erich Gonzales na may magkaibang dahilan.  Pero hindi man nakadalo si Angel ay personal itong nag-donate para sa Bantay Bata Foundation na siyang beneficiary ng ABS-CBN Ball.

Speaking of ABS-CBN Ball, talagang inabangan ng marami ang pagdating sa nasabing event (nang magkakahiwalay) nina Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Anderson na kamakailan lamang na-involve sa matindinding kontrobersiya.

Solo flight na dumating sina Bea at Julia maging ang ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia pero si Gerald ay kasamang dumating ang kanyang mga co-stars sa bago niyang ginagawang serye, ang “A Soldier’s Heart” na sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas at Yves Flores.