Sarah at Matteo hinuhulaang susunod nang ikakasal

December 04, 2018
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

NAGING intimate man ang naging wedding nina Christiian Bautista at kanyang brand new wife na si Kat Ramnani na ginanap sa Bali, Indonesia last November 17, nagkaroon naman sila ng belated reception sa Pilipinas na ginanap sa Champagne Ballroom ng Manila Hotel for their friends and relatives na hindi nakadalo sa kanilang kasal.

Ang wedding reception nina Christian at Kat ay second wedding event this year na dinaluhan ng magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli among sa close showbiz friends ng Popstar.  Nauna rito ang beach wedding sa Boracay last April ng ex-girlfriend ni Christian na si Rachelle Ann Go sa American husband nitong si Martin Spies.  Would this mean kaya na sina Sarah at Matteo na ang susunod na ikakasal?

Samantala, bukod kina Sarah at Matteo ay naispatan din sa wedding recepcion nina Christian at Kat sa Manila Hotel sina Lea Salonga, Kuh Ledesma, Ogie Alcasid, ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, ang mag-asawang Cristalle Belo at Justin Pitt, ang nakatatandang kapatid ni Cristalle na si Direk Quark Henares, ang big boss ng Ever Bilena at Careline beauty products na si Dioceldo Sy at marami pang iba.