Sarah, Matteo matagal na raw engaged

November 08, 2019
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

MASAYA ngayon ang respective families, mga kaibigan  (in and out of showbiz), their colleagues in showbiz at fans and followers  ng Pop Princess na si Sarah Geronimo at ang Fil-Italian triathlete, singer-actor and entrepreneur na si Matteo Guidicelli dahil sa engagement ng dalawa. May nagsabing matagal na itong nangyari pero ini-announce lang last Thursday, November 8.

It was in September this year nang i-celebrate ninaSarah at Matteo ang kanilang ika-6th anniversary bilang magkasintahan. Ang buong akala pa ng marami nahihintayin pa ni Matteo ang kanyang 30thbirthday on March 26  o di kaya sa ika-32nd birthday niSarah on July 25 next year bago ito mag-propose saPop Star.

Malamang na umiyak si Sarah when Matteo popped up the question na “Will you marry me?”.

Although na-link noon si Sarah kina Rayver Cruz, Gerald Anderson and even John Lloyd Cruz, si Matteo ang kauna-unahang boyfriend na kanyang inamin sapubliko.   Si Matteo rin ang first boyfriend na nagingmatapang at pursigido na patunayan sa parents ni Sarah ang kanyang pure intentions sa dalaga.

Ngayong engaged na sina Sarah at Matteo, malamang na sa isang taon na idaos ang kanilang kasal para hindi sukob ng taon ang kanilang kasal sa kapatid ni Matteo na si Georgia Guidicelli na nakatakdangikasal sa taong ito.

Although hindi hayagan ang pagiging close niMatteo sa family ni Matteo sa pamilya ni Sarah, kabaliktaran naman si Sarah sa family ng kanyangfiancé.  Mahal na mahal si Sarah ng pamilya ni Mateo sa Cebu kahit naging low-key lamang ang dalawapagdating sa kanilang relasyon.

Matteo posted on his IG account ng “I love you my love, now and forever” with matching photo naanimo’y sinasakal ni Sarah sa leeg ang kanyang fiancé na suot-suot ang napakalaking engagement ring.