Sarah at Matteo nakalipat na ng tirahan

March 11, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

NAKALIPAT na sa isang posh condo unit in Makati City ang bagong mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kung saan din nakatira ang kilalang TV anchor na si Karen Davila and her family.

Wala umanong alam ang mga fans at ang publiko tungkol sa bagong tirahan ng mag-asawa until mag-post sa kanyang IG account si Karen.

Malamang na temporary lamang ang condo unit ng mag-asawa dahil natitiyak namin na magpapatayo sila ng isang malaking bahay in a posh exclusive village in the metropolis.

Sina Sarah at Matteo ay sikretong nagpakasal nung gabi ng February 20 sa Victory Chuch in Bonifacio Global City in Taguig City officiated by Pastor Paolo Punzalan, ang nakababatang kapatid ng US-based actress na si Princess Punzulan who, herself is married to an American national.

Although mahigit dalawang linggo nang kasal sina Sarah at Matteo, hindi pa rin nagpaparamdam ang parents ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo kung tanggap na nila ang pag-aasawa ng kanilang anak na si Sarah at kung tanggap na nila bilang manugang ang mister nitong si Matteo.

Sina Sarah at Matteo naman ay naghihintay lamang ng  panahon at pagkakataon na lapitan ang kanilang Mommy Divine at Daddy Delfin.