Sarah at Matteo tikom pa rin ang bibig

February 20, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

MAY suspetsa kami na magiging bahagi ng wedding entourage nina Sarah Geronimo at Matto Guidicelli ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na very close sa dalawa.  Pero maging sina Ogie at Regine  ay ayaw mag-share ng detalye na may kinalaman sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa.

Sa March 16 ay 30th birthday ni Matteo at sa buwan din ng March ang alam namin na anniversary month ng dalawa and the couple will be celebrating their 7th anniversary sa susunod na buwan.

Ang hula ng iba ay either sa kanilang anniversary bilang magkasintahan o sa 30th birthday ni Matteo ang kasal nila ni Sarah dahil napaka-significant ng nasabing dalawang araw ng Marso para sa engaged couple.

May lumulutang ding balita na sa ibang bansa umano magpapakasal ang dalawa (particulary Italy) pero maging ito ay mananatiling haka-haka lamang.