Sarah nagi-enjoy sa hilig ni Matteo

January 12, 2019
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

KAPAG walang commitment ang Popstar na si Sarah Geronimo, she makes it a point na may oras sila ng kanyang boyfriend of more than five years na si Matteo Guidicelli.  Very supportive si Sarah sa mga sports na kinahihiligan ni Matteo.

Kamakailan lamang ay namataan ang dalawa sa isang motocross training kung saan ay sumubok din si Sarah sa dirtbike ride. Nag-enjoy ito habang nag-cheer sa kanya si Matteo.

Dahil sa tagal na ng relasyon nina Sarah at Matteo, marami na ang naguudyok sa actor na mag-propose na ito sa kanyang girlfriend bagay na nginingitian lamang ni Matteo.  May nagsasabi na hihintayin marahil ni Matteo for him to reach 30 bago siya mag-propose at magpakasal kay Sarah.

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling umaasa ang respective fans nina Sarah at Matteo na sana’y magsama ang dalawa sa isang pelikula o kung hindi man sa isang major concert. Pero ayaw ng dalawa dahil ito umano ang kanilang paraan para mapangalagaan ang kanilang relasyon.