Sarah pinag-uusapan pa rin

January 01, 2019
Sarah Geronimo

ANG isa sa mainit na pinag-usapan nitong 2018 ay ang pag-iyak ng Pop Star na si Sarah Geronimo sa kalagitnaan ng kanyang 15th anniversary  concert tour sa Amerika, her 4th leg na ginanap sa Las Vegas, Nevada nung April 29. 

Out of nowhere ay biglang naging emotional ang nobya ni Matteo Guidicelli at hindi na tinapos ang kanyang number at saka ito tumalikod patungong backstage na hindi na makayanan ang kanyang nararamdaman at that moment.

Ang pakiramdam ng marami ay na-burnout na si Sarah sa kanyang trabaho bilang singer, performer, actress at celebrity endorser which she has been doing since she was 14 nang siya’y maging grand winner ng “Stars for a Night” singing contest in 2003.

Pinag-usapan din ang biyahe ni Sarah with Matteo sa Italy last September to celebrate their 5th anniversary bilang magkasintahan.