Sarah pinakialaman ang Instagram account ni Matteo

March 29, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

LAST Thursday, March 26 ay 30th birthday ni Matteo Guidicelli.  Ito ang first birthday ng singer-actor, athlete at entrepreneur na meron na siyang asawa, ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo.  Six days earlier last March 20 ay first month-sary naman ng young couple matapos silang ikasal nung February 20, 2020 sa isang secret wedding na ginanap sa Victory Church in Bonifacio Global City, Taguig officiated by Pastor Paolo Punzalan, ang nakababatang kapatid ng US-based actress na si Princess Punzalan, mga anak ng yumaong estranged couple na sina Helen Vela at Orly Punzalan.

Since nasa loob lamang ng kanilang bahay ang mag-asawa, isang simple birthday celebration  ang inihanda ni Sarah para sa kanyang mister at pinakialaman nito ang Instagram account ni Matteo kung saan niya pinost ang kanyang pagbati sa asawa kasama ang litrato ni Matteo nung ito’y bata pa.

Kitang-kita sa bagong mag-asawa ang pagiging masaya sa kabila na hindi pa sila okey sa parents ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo.