Sarah, Regine pinakilig ang audience

February 17, 2020
Sarah Geronimo & Regine Velasquez

HANGGANG ngayon, idol pa rin ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na naging host ng “Star for A Night,” ang singing competition na sinalihan ng una in 2003 kung saan siya ang itinanghal na grand champion.

Although regular na napapanood sina Regine at Sarah sa “ASAP Natin `To” musical variety show on ABS-CBN, first time nagkasama  sa isang  back-to-back major concert ang dalawa sa kanilang “Unified” concert na ginanap sa Araneta Coliseum nung nakaraang February 14 & 15.  It was a sold-out two-night concert.

Sa unang gabi ng  concert nung Valentine’s Day ay parehong nakaupo sa harapan ng stage ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid at fiancé ni Sarah na si Matteo Guidicelli.  Towards the end of the concert ay sabay na umakyat ng stage sina Ogie at Matteo para mag-abot ng  bouquet of flowers sa kanilang respective partners na ikinakilig ng live audience sa loob ng Big Dome.   

Agad sinalubong ng mahigpit na yakap ni Sarah ang kanyang fiancé at saka siya hinalikan sa pisngi ni Matteo na labis ikinakilg ng mga manonood.  

It was only last November 2019 nang ipaalam ni Matteo sa kanyang Instagram account ang engagement nila ni Sarah na nangyari pa pala nung 2018 pero this March pa lamang sila magpapakasal.

Sa pagkakaalam namin ay sa buwan ng March naging magkasintahan sina Sarah at Matteo and the couple will be celebrating their 7th anniversary.  On March 26 naman ay 30th birthday ni Matteo pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring mag-share ang engaged couple ng petsa at iba pang detalye ng kanilang nalalapit na kasal kung saan ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario ay isa sa mga tatayong principal sponsors.

Bukod kina Ogie at Matteo, naroon din sa VIP section ng Araneta Coliseum  si Boss Vic del Rosario at ang kanyang lady love na si Joanne Quintas, ang mag-asawang Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho at iba pa.

Samantala, lahat ng mga song numbers nina Regine at Sarah ay well-applauded pero kakaiba ang naging response ng audience sa song and dance number ni Sarah sa kanyang present hit and dance craze  na “Tala”.