Sarah, tinanggihan ang TF sa mini-concert kay Pope

February 06, 2019
Sarah Geronimo

NAG-MINI concert si Sarah Geronimo matapos ang mass ni Pope Francis nang bumisita sa United Arab Emirates last February 5.

Naganap ang suprise performance ng Popstar Royalty sa Zayed Sports City sa Abu Dhabi, UAE.

Ayon sa nakasaksi ng performance ni SG, ilan sa mga kinanta niya ay ang The Climb, The Prayer, Rise Up, Heal The World at Noypi.

Bumirit din siya nang iparinig ang classic hit song na Forever’s Not Enough.

Agad namang nag-post sa kanyang Instagram ang supportive boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

“Super proud of you, love. By the way, perfect Italian,” caption ni Matteo sa sweet photo nila ni Sarah.

Pero teka... ayon sa tweet ng isang @Cres0100, ayaw raw magpabayad ni Sarah sa event.

“A friend of mine is part of the prod team for the Pope’s UAE visit, he shared that Sarah Geronimo wants to waive her talent fee knowing that she will perform for the Pope but the organizers said that SG should take home what’s stipulated in the contract.”