Seeing Beth Tamayao

April 29, 2019
Beth Tamayao
THE author with Beth Tamayo, Nicole Turk, Dr. Cesar and Chato Sugay-Ramirez

IN the morning of April 17, Dr. Cesar and wife Chato drove us to Dublin/Pleasanton (California) where we stayed for two nights.  The following day, we headed for San Francisco which was less than two hours drive from Dublin.

Ang only daughter naman ni Chato (from her American ex-husband) na si Nicole Turk ang nag-drive para sa amin because she’s very familiar with San Francisco. Pagdating namin ng Fisherman’s Wharf ay agad namin tinawagan si Beth Tamayo whose office was just a ten-minute walk sa lugar na aming pinuntahan.  She joined us for a late quick lunch sa isang resto-bar in Ferry Building.

It was our first meeting in 10 years matapos siyang umalis ng Pilipinas in 2009.

She relocated in San Francisco from New York and she works as an executive assistant sa isang international investment company.  We missed her American boyfriend though na si Adam Hutchinson because of our limited time in SFO.

Napakaganda pa rin ni Beth hanggang ngayon at masaya ito ngayon sa kanyang (bagong) buhay sa Amerika. Bukod sa kanyang trabaho, active si Beth sa pagiging isang marathon racer sa iba’t ibang bahagi ng Amerika at maging sa ibang bansa kung saan marami-rami na rin ang kanyang naipon at napanalunang medals.

Beth admits that she misses her showbiz career back in the Philippines, her family and friends but she’s thankful sa modern technology dahil halos araw-araw ay kausap niya ang kanyang mommy (Zeny Tamayo) on Facetime ganundin ang kanyang malalapit na kaibigan including her best friend na si Judy Ann Santos.  Whenever Judy Ann’s family is in the US, hindi puwedeng hindi sila magkita ni Beth.

Beth revealed to us that she and her partner na si Adam (Hutchinson) are already considering undergoing the IVF (in vitro fertilization) procedure to have a baby although 39 pa lamang siya turning 40 on September 21.  She never had a baby with her ex-husband, ang Chinese-American na si Johnny Wong.

Kahit sandali lamang kami nagkita at nagkausap ni Beth, we considered the meeting a memorable one.

Samantala, we missed in SFO our other friends tulad ng singer-turned-concert producer na si Lerma de la Cruz (Cailles) who was in San Diego at the time we were in SFO.  She produced the concert tour of father and son Piolo and Iñigo Pascual kung saan special guest si Pokwang.  Hindi rin namin nakita ang isa pang San Francisco-based singer  na si Gemma Franco ganundin ang actor na si Dandin Ranillo pero nagkausap kami sa telepono.

After our meeting with Beth ay saka kami tumuloy ng Golden Gate Bridge then we headed back to Dublin/Pleasanton kung saan kami nag-stay for another night.