Home>Entertainment>Showbiz>Sen. Bong kahit kilalang Kapuso, gustong mabalik ang ABS-CBN

Sen. Bong kahit kilalang Kapuso, gustong mabalik ang ABS-CBN

Janella Salvador and Markus Paterson
Janella Salvador and Markus Paterson

HINDING-hindi makakalimutan ang actor-politician na si Sen. Bong Revilla, Jr. ang petsang December 7, 2018 dahil ito ang araw na siya’y nakalaya matapos ang apat na taon at anim na buwang pagkaka-detain sa Camp Crame dahil sa plunder case na ibinato sa kanya.

Ang nakaraang Christmas 2018 and 2019 ay maituturing niyang pinakamasayang Pasko dahil kapiling niya ang kanyang buong pamilya. Pero itong nakaraang Pasko, December 25, 2020 ay hindi na kumpleto ang kanilang kasiyahan dahil wala na ang ama ni Sen. Bong na si Don Ramon Revilla Sr. na sumakabilang-buhay nung nakaraang June 26, 2020.

I still miss him hanggang ngayon,” nangingilid ang luha na tinuran ni Sen. Bong na regular na dumadalaw sa puntod ng kanyang ama.

“Kinakausap ko siya,” pag-amin ng senador.

Kahit hindi si Bong ang panganay sa kanilang magkakapatid, sa balikat niya nakaatang ang responsibilidad na iniwan ng ama.

Samantala, kahit mahigit dalawang taon nang nakalaya si Sen. Bong, hindi pa rin siya tinatantanan ng kanyang bashers bagay na kanya na lamang ipinapasa-Diyos.

“Pinapatawad ko na sila,” aniya.

“Mas gugugulin ko ang oras ko sa mga makabuluhang bagay kaysa pumatol sa mga taong walang magawa sa buhay kundi ang manira sa kanilang kapwa,” malungkot na pahayag ng actor-politician. “Tuloy ang buhay. Maging masaya at positibo na lamang tayo.”

Hindi siya nagpapabaya sa kanyang trabaho bilang senador at pabor din siya sa muling pagkakaroon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN. Umaasa siya na mababalik muli sa ere ang Kapamilya network kahit na kilala siya bilang isang Kapuso.

Sen. Bong describes his lovely wife, singer-actress-host-turned Bacoor Mayor Lani Mercado a role model hindi lamang bilang asawa, ina ng kanilang mga anak, kundi ang pagiging ina ng kanyang mga nasasakupan sa Bacoor, Cavite.

“Mabubuhay ako’t mamamatay, si Lani pa rin ang pipiliin kong maging wife at ina ng mga anak namin,” makahulugang pahayag ng senador.

Umaasa si Sen. Bong na sana’y mabalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat sa taong ito.

“2020 was the hardest year for everyone kahit sa pamilya namin,” pahayag niya.

January last year nang pumutok ang Bulkang Taal na sinundan ng pandemya, pagyao ng kanyang amang si dating Sen. Ramon Revilla, Jr., ang pagkakasakit niya ng Covid-19 gayundin ang buong pamilya at mga kasambahay, driver ng anak nila ni Lani na si Inah Revilla (Bautista) na naka-base sa Davao kasama ang husband nitong si Vince del Rosario at tatlo nilang anak.

“Hindi talaga ako mapakali dahil malayo sila sa amin,” pakli ni Lani. “Nariyang tumatawag kami ni Bong sa kanila regularly at humingi rin ako ng tulong kay Mayor Sarah (Duterte) dahil wala kami roon. Kahit gustuhin man naming puntahan sila ay hindi rin puwede. Sa awa naman ng Diyos, lahat sila gumaling,” dugtong pa ni Lani.

Ayon kay Bong, kapag gumanda-ganda na ang sitwasyon ay babalikan ng niya ang pagpu-produce ng pelikula.

“Actually, before the pandemic ay may movie na sana kaming sisimulan. Kumpleto na including cast and director pero bago kami nakapag-simula ay nagkaroon ng lockdown kaya hindi natuloy,” kuwento pa ng actor-producer at senador.

“Kahit bago nawala si Daddy (Ramon Revilla, Sr.) ay nangako ako sa kanya na ipagpapatuloy ng Imus Productions (which his father founded) para makatulong sa mga worker sa industriya,” lahad ni Sen. Bong.

Claudine at Raymart hindi nagkibuan sa hearing ng kaso

KAHAPON ng umaga, January 6 (Wednesday) ang ikatlong hearing ng dating mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Marikina Prosecutor’s Office. Present ang dating mag-asawa at ang kanilang respective legal counsels.

Nagsumite ang kampo ni Raymart ng kanilang reply affidavit at proposal compromise.

Ayon sa aming source, hindi umano nag-usap ang dating mag-asawa na may dalawang anak, ang kanilang adopted daughter na si Sabina at biological son na si Santino.

Janella at Markus ipinakita na ang kanilang baby boy

Janella Salvador
Janella Salvador and baby

KUMPIRMADO nang nagsilang ng baby boy ang Kapamilya singer-actress na si Janella Salvador ng first baby nila ng kanyang nobyong Filipino-English singer-actor na si Markus Paterson. Ang baby boy na pinangalanang Jude Trevor Salvador Paterson ay isinilang sa U.K. nung October 20, 2020. Ang Trevor ay hango sa pangalan ng English dad ni Markus na si George Trevor Paterson, isang retired British Air Force pilot. Filipina naman from Pangasinan ang kanyang ina na si Norma Mario-Paterson.

It was in their January 5, 2021 joint vlog nang i-share ng young couple ang kanilang bagong journey as brand new parents kay Baby Jude.

Samantala, alam ng respective parents at malalapit na kaibigan nina Janella at Markus at tungkol sa pagbubuntis at pagsilang ng kanilang baby including Janella’s aunt and co-star sa “The Killer Wife” na si Maja Salvador.

Excited na rin ang biological dad ni Janella, ang singer-musician na si Juan Miguel Salvador na makita ang kanyang kauna-unahang apo na si Baby Jude.

Wala pang balita kung kelan ang balik sa Pilipinas nina Janella, Markus kasama si Baby Jude. Nasa U.K. rin ang ina at younger brother ni Janella na sina Jenine Desiderio at Russel na lumipad patungong UK last September 2020.

Please subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook: @asteramoyo and Twitter: @aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger