Sen. Koko nandamay ng ibang senador, Sen. Bong nag-post

March 28, 2020

NAG-POST si Senator Bong Revilla, Jr. sa kanyang Facebook page ng pahayag ni Dr. Cristeta Cocjin, ang Senate Medical and  Dental Bureau Chief.

Ang post ni Bong ang sagot niya sa mga kababayan natin na kinukuwestyon ang  pagsailalim sa COVID-19 testing ng kanyang mga kapwa senador.

“All senators should be safe and healthy at this time because they have a very important duty ro perform. The foresight of the Senate President was to ensure that thy ready and healthy should the President call for a special session, “ ang statement ni Dr. Cocjin na ibinahagi ni Bong sa publiko para maunawaan ng publiko ang isyu.

Nadadamay ang mga mambabatas sa insidente na kinasangkutan ni Senator Koko Pimentel na umamin na positibo siya sa COVID-19 pero nagawa pa niya na samahan ang kanyang buntis na asawa nang pumunta ito sa Makati Medical Center noong  Martes, March 24.

Umani si Pimentel ng katakut-takot na batikos mula sa publiko  dahil inilagay niya sa panganib ang medical personnel ng Makati Medical Center kaya nagkaroon ng malakas na  panawagan na magbitaw na siya sa  kanyang tungkulin bilang senador.