Home>Entertainment>Showbiz>Senyales ng Kapaskuhan

Senyales ng Kapaskuhan

NGAYON, September 1, ang simula ng `ber’ months, isang senyales na malapit na ang Kapaskuhan.

Sa gitna ng pandemya at maraming problemang kinahaharap ng buong mundo, nariyan pa rin ang pag-asa ng lahat na isang araw ay bigla na lamang maglalaho ang coronavirus (Covid-19).

Looking forward pa rin ang marami na makararanas tayo ng masayang Pasko. Sabi nga, iba ang pagdiriwang ng mga Pilipino ng Pasko. Tayo ay may pinakamahabang pag-obserba nito. Malalaman natin kung tulad pa rin ng dati ang magiging pagharap ng mga Pinoy sa mahalagang panahon na ito sa ating buhay.

Pero bago ang Pasko ay isa munang masayang pagbati sa kaarawan on September 21 ng aming entertainment editor na si Eugene Asis. (Kasama talaga ito?–Ed)

Ang September 21 ay hindi lamang isang mahalagang araw para kay Eugene kundi ito ang araw na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang makasaysayang Martial Law sa ating bansa.

Paano natin ito makakalimutan?

(Marami po kami sa showbiz na magkakasabay ang birthday sa Sept. 21: Direk Joel Lamangan, writer Gerry Olea, at iba pa, at wala po kaming kinalaman sa Martial Law.—Ed.)

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)