Sequel

January 10, 2019
Heart Evangelista

Hindi sinasagot ni Heart Evangelista ang tanong ng followers niya sa Instagram (IG) kung ang ipinunta niya sa Shanghai, China ay para sa shooting ng China Rich Girlfriend, sequel ng Crazy Rich Asians.

Galing pa rin sa libro ni Kevin Kwan ang China Rich Girlfriend.

Kahit hindi sumasagot si Heart, nag-assume na ang followers niya na para nga sa China Rich Girlfriend ang ipinunta niya sa Shanghai dahil sa post ng aktres habang nasa eroplano.

“As I looked out my window today, I felt an overwhelming sense of gratitude. Here I am about to embark on an adventure like no other and I couldn’t be more excited,” ani Heart.

After mabasa ang iba pang posts ni Heart, may mga nag-akala ng gagampanan niya sa China Rich Girlfriend ang role ni Colette Bing.

Hindi raw nakakagulat na mapasama si Heart sa movie dahil she looks Chinese at nag-audition siya sa Crazy Rich Asians.