Shaira at David, nag-enjoy sa 'Because I Love You’

June 09, 2019

MAGANDA ang feedback sa tambalan nina Shaira Diaz at David Licauco mula sa viewers nang una silang magtambal sa digital short film na ‘One Hugot Away’ ng GMA Public Affairs. Ganito rin ang reaksyon sa kanilang Magpakailanman episode tungkol sa isang forbidden love affair. In fact, ibinabalik ang episode na ito ngayong Linggo dahil sa request ng manonood. At heto pa, sinundan pa ang pagsasama nila ng isang movie project, ang  ‘Because I Love You’ ng ALV Films sa pakikipagtulungan ng Garahe Films sa ilalim ng direksyon ng award-winning na si Joel Lamangan.  

Mukhang enjoy ang dalawang Kapuso stars sa kanilang unang pelikula na idi-distribute pa ng Regal Films. Natutuwa si David na si Shaira ang nakapareha niya sa kanyang big screen debut. Sa pelikula, isa siyang rich kid (mukhang na-typecast na siya sa ganitong role) samantalang isang firewoman si Shaira. Ani David tungkol kay Shaira, "Magaling siyang umarte and she's very easy to work with. Give and take kami palagi and she's super nice. Hopefully next time, magkaroon kami ng teleserye together.”

Kasama rin nila sa pelikula sina Michelle Dee at Martin del Rosario. Ngayong June 26, mapapanood na ang ‘Because I Love You’ on cinemas nationwide.  

Kahit si Direk Joel, enjoy sa pagdidirek ng naturang pelikula dahil "maganda ang katawan ni David at mahusay umarte si Shaira." Hindi man nakaligtas sa mga sigaw ng direktor ang dalawa, ani Shaira: "Pagkatapos naman ng take, lalambingin ka ni direk (Joel), kaya okey lang kahit napapagalitan niya kami during takes. Part of the job. Part of growing up as actors. At saka, Direk Joel Lamangan 'yan. Pag di ka kinabahan, hindi ka huhusay."

Well, maybe dahil kay Direk Joel, hindi lang ganda ng katawan ang naipakita ni David sa kabuuan ng pelikula.