Sharon, Angel at Marian: Mga real-life Darna, nag-sanib-pwersa

April 06, 2020
Angel Locsin & Sharon Cuneta

EMOSYONAL na nagpasalamat kay Sharon Cuneta ang isang nurse para sa pagtulong na ginagawa ng megastar sa frontliners.

Sinabi ni @eleonormaistrey sa isang Instagram post ni Sharon kung saan sinabi ng singer-actress na “We’ve got your backs” na “as a nurse this brings tears to my eyes… the thank yours, the job well done. But I feel like we are not really the frontliners. The real frontliners are everyone who we beg to stay home. We are the ones at the back and we are hoping and praying that we don’t see anyone else at the end of this line. Thank you for staying at home. Be safe mga kababayan ko.”

Sinagot siya ni Sharon ng, “Still, we thank you for everything you have been doing for us. Yes, we are staying home to add to your safety and lessen your burdens!!! Please tell your fellow  nurses, doctors, nursing assistants, janitors, guarads and every single person helping you out that my heart truly goes out to each and everyone of you, your loved ones, and your patients and their families, and my heart is with you every second of everyday. May God bless you. Every inch of you!” sabay lagay ng tatlong heart emojis at praying hands.

Taliwas sa bintang na hindi man lang tumutulong ang pamilya nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan sa mga kababayan, inilabas ni Angel Locsin ang pasasalamat sa megastar sa IG Stories.

Naki-join na rin kasi si Sharon sa mga donor ng triaging/quarantine tents sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Ani Sharon, ngayon lang siya nag-repost ng pasasalamat sa kabutihang nagawa dahil marami na rin namang nag-repost ng IG Story ni Angel.

Paliwanag pa niya, “@therealangellocsin Napakahaba ng initials ko! Hahahaha! Pero masarap pala paminsa minsan nalalaman ng mga tao mahal mo sila… Thanks so much dearest Angel. And may God our Father keep you safe and healthy as you continue your mission to provide comfort to our frontliners who put their lives on the line for us every single day. Love you. (P.S. PAMINSAN-MINSAN LANG ako pumapayag na banggitin ang name ko pag tumutulong… isa dito ay ang pagkakataong ito na malaman ng lahat ng ating Frontliners na hindi lang sa social media marunong magpasalamat ang mga artistang tulad namin, kundi sa actual na pagtulong.”

Birong banggit pa ng singer-actress, “And – from DARNA TO DARNA (!!!), thank you again to our angel, Ms. Angel Locsin, for all that you do and for the opportunity to help them through you!”

Matapos ito, nag-post si Mega ng Darna pictures nila ni Angel at Marian Rivera sabay sabing, “Your two Darnas love you, our FRONTLINERS! Maraming salamat po!”

“Heto pa ang isa niyong Darna! Nagluluto at nagpapack ng menudo and rice for our Frontliners! Inaanak ko pa sa Kasal yan! @marianrivera”