Sharon inuna ang kaibigan kahit nabagok ang ulo

January 22, 2020
Sharon Cuneta

BUMALIK na ng New York, USA, ang panganay nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan kung saan ito nag-aaral ng kolehiyo.  Sa muling pag-alis ni Frankie ay hindi napigilan ni Shawie ang maging emotional dahil mataga-tagal na naman nilang hindi makakasama ang kanilang panganay ni Sen. Kiko.    

Tulad ng panganay ni Shawie sa kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion na si KC Concepcion, sa American University in Paris, France naman ito nagtapos ng Bachelor’s degree in International Corporate Communications minor in Theatre Arts in 2007.

Speaking of Sharon, muli nitong ipinakita ang kanyang professionalism nang ito’y sumipot sa comeback concert ng US-based  singer-composer na si Odette Quesada over the week-end na ginanap  sa Maybank Theatre in BGC Arts Center kung saan special guest ang megastar.

Bago ang special guest performance ni Sharon ay nagkaroon ito ng freak accident habang siya’y nagsa-shower kung saan nabagok ang likod na bahagi ng kanyang ulo.  Sa halip na dumiretso ng pagamutan ay pinilit nitong harapin muna ang kanyang commitment at pagkatapos ay saka lamang  ito dumiretso ng pagamutan para magpa-check-up.

Earlier ay naisugod din si Sharon sa hospital for eye irritation.

Samantala, mukhang hindi pa nagpapakita at nagpaparamdam  si KC sa kanyang ina at pamilya hanggang ngayon.