Home>Entertainment>Showbiz>Sharon, Judy Ann at Sarah parang tunay na magkakapatid

Sharon, Judy Ann at Sarah parang tunay na magkakapatid

PARANG magkakapatid ang turingan sa isa’t isa nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at Sarah Geronimo kaya muling nabuo silang tatlo sa 54th birthday presentation ni Sharon sa “ASAP Natin `To.”

Sina Sharon at Judy Ann ay nagsama sa pelikulang “Magkapatid” in 2002 na dinirek ni Joel Lamangan habang sina Judy Ann at Sarah G. ay pinagbidahan naman ang pelikulang “Hating Kapatid” in 2010 na dinirek ni Wenn Deramas.

Kung nagkaroon na ng successful “Iconic” concert nina Sharon at Regine Velasquez na ginanap sa Big Dome nung nakaraang October 2019, maganda rin siguro kung magkakaroon ng back-to-back concert sina Sharon at ang Pop star na si Sarah G.  Pero ngayong February ay ay two-night concert sina Regine at Sarah sa Smart Araneta Coliseum na tinatayang masu-sold out din.

Sina Sharon at Sarah G. ay hindi pa rin nagsasama sa isang pelikula na posibleng mangyari sa bakuran ng Viva Films na siyang original home studio ng megastar na kinabibilangan din ngayon ng fiancée ni Matteo Guidicelli.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger