Sharon, ka-level sina Pia at Kylie sa pagmu-muse

January 09, 2019
Sharon Cuneta

MABENTA pa rin si Sharon Cuneta bilang muse sa basketball, huh! Aba, makikipagsabayan si Shawie sa ibang muses na artista at beauty queens sa opening ng bagong season ng PBA sa January 13 sa Philippine Arena.

Si Shawie ang makakasama ng Magnolia Hotshots sa pagrampa.

Ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach naman ang kasama ng Barangay Ginebra at ang Miss International na si Kylie Versoza ang muse ng San Miguel Beer.

Ang mga aktres namang kinuha ng ilang PBA teams na muse nila ay ang Kapuso actress na si Klea Pineda para sa Alaska Aces habang si Yam Concepcion naman para sa Phoenix Fuel Masters team.

Kinuha naman ng NLEX Warriors ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez bilang muse habang ang Filipino swimmer champion na si Jasmine Alkhadi naman ang kasama ng Blackwater Warriors.

Isang Aya Fernandez naman ang kinuhang muse ng Northport Batang Pier habang wala pang napiling muse ang iba pang PBA teams gaya ng TNT Katropa,  Meralco Bolts, Rain or Shine at Columbian Dyip as of this writing.