Sharon mawawalay na naman sa anak

August 30, 2019
Sharon Cuneta and family in New York
Sharon Cuneta and family in New York

NARANASAN na rin noon ng megastar na si Sharon Cuneta na mapawalay sa kanyang panganak na anak na si KC Concepcion (sa ex-husband na si Gabby Concepcion) nang mag-desisyon itong mag-aral sa University of America in Paris, France where she took up Corporation Communications minor in Theater Arts. Muli itong naulit nang magdesisyon ang panganay nilang anak ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie na sa New York City, USA siya mag-college.  Although it breaks her heart na mapawalay sa kanila si Frankie, she is also proud of her daughter dahil matututo itong maging independent at age 18 tulad ni KC noon.

Sinamahan si Frankie ng kanyang buong pamilya sa New York including her parents (Sharon and Sen. Kiko) and younger siblings na sina Miel at Miguel maging ang kanyang big sister na si KC who will be furthering her studies in New York ng gemology na may kinalaman sa kanyang sariling jewelry line of business, ang Avec Moi.    

Related sa writing at anthropology ang course na kukunin ni Frankie sa isang kilalang university in New York.