Sharon, nagsakripisyo para kay Regine

November 13, 2018
Regine Velasquez Alcasid

No doubt na sobrang laki ng Regine at the Movies concert series ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na magsisimula ngayong Saturday sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Ang mga guest nga kasi ay sina Piolo Pascual (November 17), the Megastar Sharon Cuneta (November 24) at Daniel Padilla (November 25).

Selling like hotcakes nga ang tickets for the three shows at para huwag maubusan, better check Tickenet outlets, tumawag sa 911-5555 o mag-check online tickenet.com.

Nang makausap namin si Cacai Velasquez-Mitra, Regine’s sister/manager at producer ng Regine at the Movies, naikwento niya na, “Nauna kasing lumabas ’yung with Piolo and then ’yung with Sharon. ’Yung dinagdag na araw kasi, ’yung with Daniel (Padilla) na November 25. Mabili rin ’yon.

Nang ma-release raw kasi ang tickets para sa first two shows, nabenta agad, kaya dinagdag nila ’yung third night. Nang i-announce rin na si Daniel ang guest doon, lalo pang lumakas ang benta ng tickets.

Since pare-parehong big stars sina Piolo, Sharon at Daniel, hindi ba nalakihan sina Regine at Cacai sa talent fees ng tatlo?

“Hindi pinag-usapan ang tungkol sa TF. In fairness, no talks about TF talaga. Ang naging problema pa namin, ’yung schedules nu’ng tatlo para nga magtugma sa araw na magge-guest sila.

“Naayos naman, kaya si Piolo, nasa November 17, then si Sharon sa November 24 at si Daniel nga sa November 25.

“’Yung kay Sharon nga, sobrang thankful talaga kami ni ate dahil dapat nasa Hong Kong na siya that day, pero nag-adjust siya ng sobra. Ginawa niyang November 25 ng morning ang flight niya para mapagbigyan nga niya kami. Eh, November 25 mismo ’yung show niya sa Hong Kong, kaya sobrang sacrifice ang ginawa ni Sharon, kaya sobrang nakakabilib at nakaka-touch!”  

“Si Piolo, sobrang gusto ni ate na makapag-guest siya sa Regine at the Movies dahil nagkasama na sila noon sa movie. Hindi pa rin nakakapag-guest si Piolo sa kahit na anong concert ni ate, pero si ate, nag-guest noon sa Araneta Coliseum concert niya.

“Then si Sharon naman, idol talaga siya ni ate kahit noong mga bata pa kami. Nakaka-relate si ate sa mga pelikula ni Sharon, like ’yung Bukas Luluhod Ang Mga Tala at Bituing Walang Ningning.

“Relate na relate si ate sa mga pelikulang ’yan ni Sharon noong time na kahirapan pa kami at nangangarap siyang maging sikat na singer.

“Si Daniel naman, na-impress siya sa kanta, plus box-office ang movie, kaya in line naman sa theme ng concert,” dagdag tsika pa ni Cacai.

Dahil Kapamilya na nga si Regine, ang media partner ay ABS-CBN at co-presentors ang PLDT Home, Belo Medical Group at GAOC Dental.

Major sponsor naman ang Jollibee at minor sponsors ang 81 Seihai, Jkas Catering & Services at Ryu Ramen.