Sharon, ‘stranger’ ang tingin kay Richard

November 24, 2018
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Nakita namin ni Ricky Calderon si Sharon Cuneta sa backstage ng Dolphy Theater after ng presscon ng Three Words to Forever at ang bungad nito, masaya ang Christmas. Hindi lang daw dahil sa November 28 showing ng Star Cinema movie na reunion movie nila ni Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil din sa maraming blessings na dumating sa kanya.

Hindi na kailangang isa-isahin ni Sharon ang blessings na dumating sa kanya dahil kung follower niya kayo ng kanyang socmed account, binabanggit ni Sharon ang blessings na dumating sa kanya this year.

But of course, isa sa pinakamalaking blessing ni Sharon ay ang Three Words to Forever dahil alam niyang matagal hinintay ng fans nila ni Richard at may mga pinagdaanan bago matuloy.

Sa presscon nga, kinuwento ni Sharon na natakot siya dahil feeling niya, hindi na niya kilala si Richard.         “Tapos nagbi-Bisaya siya at ako Kapampangan.  I told Inang (Olive Lamasan) about it and I was crying. He’s not the Richard that I know. Nakiramdam ako and I don’t know the city (Ormoc). Nalungkot ako, wala ang family ko. I was away from my family, wala akong kilala kundi siya na may sariling buhay na.   I was not used to Richard na mayor but I was proud of him.”

Pero, magaling na host si Richard, kaya agad na feel at home sina Sharon at mga kasama. Kaya sa presscon, kasama sa kwento ni Sharon ang magandang experiences nila sa shooting sa Ormoc City.