Sharon tuloy ang semi-retirement kahit ayaw ng fans

October 12, 2019

NALULUNGKOT ang fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa sinabi nito na gusto niyang magretiro. Pahayag ng kanyang fans, gusto pa nilang mapanood sa TV at pelikula ang kanilang idolo.

Thankful naman si Sharom sa undying love and support ng kanyang fans pero ayon sa Megastar, napapagod na rin naman siya. After all, more than 40 years na siya sa entertainment industry.

Kung sa isang regular na trabaho nga, ang empleyado ay nagreretiro at the age of 65. At pwede rin mag-avail ng early retirement. Kaya naman may K din naman si Sharon to go on retirement kung nais niya.

She started her career at the age of 12 so pwede rin naman siyang humirit ng pahinga. There was  a time in her career na bukod sa weekly musical show niya ay gumagawa rin siya ng pelikula on the side, plus concerts. We understand pag sinasabi niya na pagod na rin naman siya.

Pero hindi naman daw siya mawawala. If ever, Sharon will do less projects. Pipiliin na lang ang projects na gusto niyang gawin,

Tulad nitong Iconic concert na she is doing with Regine Velasqoez-Alcasid sa Araneta Coliseum on October 18 and 19. First time nilang magsasama ni Regine kaya Sharon is excited that the concert is finally pushing through. Matagal na itong plano perodi lang matuloy-tuloy.

After the Manila leg of the concert, magkakaroon ito ng US tour sa May 2020. Pero ang isang project na gusto namin makita ay magsama sa movie sina Sharon at Regine. And we want to them to portray offbeat role.