Sharon vs Julia sa takilya

May 10, 2019
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

SABAY magsu-showing ang pelikula nina Sharon Cuneta at Julia Barretto sa May 15.

Wala namang kinalaman ang dalawa kung tutuusin sa pagbabanggaan sa takilya ng kanilang mga pelikula. Ganyan naman talaga sa showbiz. Matatandaan na huling nagsama ang dalawa sa pelikulang Unexpectedly Yours kasama sina Robin Padilla at Joshua Garcia. Buti na lang at magkaiba ang genre ng kanilang mga pelikula.

Horror movie ang kay Megastar - Kuwaresma ni Erik Matti. Medyo unconventional din ito dahil mas sanay nating napapanood ang aktres sa mga drama movie. Maging ang kasama niyang lead actor dito na si John Arcilla ay hindi hearthrob o matinee idol. In short, malayo ito sa tipikal na movie ni Sharon na nakasanayan ng kanyang fans.

Drama-romance naman ang pelikulang Between Maybes ni Julia. Surprisingly, he is paired with Gerald Anderson. Kaya malaking hamon ito sa young actress dahil hindi niya katambal dito ang love team niya na si Joshua Garcia. 'Ika nga, she's out of her comfort zone. Bukod sa kakaibang kuwento, selling point nito ang instagrammable spots sa Japan.

Both movies offer different flavor. Kaya may pagpipilian ang moviegoers. Sino kaya kina Sharon at Julia ang mas magwawagi sa takilya? Just asking...

Disclaimer:

Malaya ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com