Home>Entertainment>Showbiz>Sheena buntis, pinaiyak ng asawa

Sheena buntis, pinaiyak ng asawa

Sheena Halili
Sanya Lopez

MAY sweet anniversary surprise na natanggap ang Kapuso actress at soon-to-be mommy na si Sheena Halili mula sa kaniyang asawang si Jeron Manzanero.

Ibinahagi niya ito sa kaniyang latest vlog na “Our 3rd Anniversary.” Akala ni Sheena ay simpleng celebration lang ang pagsasaluhan nila, pero sa dulo ng video ay napaiyak na lang si Sheena sa regalong ibinigay ni Jeron na picture frame na kasama ang sonogram ng baby nila.

Panoorin ang full video sa YouTube channel ni Sheena.

May bagong aabangan kay Gabbi

Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

TIYAK na maraming millennials at Gen Z ang makaka-relate sa bagong show ni Global Endorser Gabbi Garcia na “In Real Life (IRL)” na mapapanuod very soon sa GMA News TV.

Isang youth-oriented reality program ang IRL kung saan ihahatid ni Gabbi ang latest updates sa iba’t ibang trending topics na ika nga ay “it” o “exciting” para sa mga kabataan lalo na ngayong digital age.

Bagay na bagay kay Gabbi ang IRL dahil bukod sa husay niya sa hosting, isa siya sa mga artista ngayon na malakas ang online presence. Kaya naman siguradong nakaabang na ang fans ni Gabbi sa “In Real Life (IRL)” na malapit nang mapanood sa GMA News TV.

Luis may virtual date

Luis Hontiveros
Luis Hontiveros

MAY chance na ang netizens na maka-date ang Kapuso heartthrob na si Luis Hontiveros ngayong Huwebes (October 29) sa exciting online dating show na ‘E-Date Mo Si Idol’ ng GMA Artist Center.

“I’m looking for a date this Thursday night for our favorite online dating show — #EDateMoSiIdol. Just comment below kung bakit ikaw ang maswerte kong makaka-e-date. #EdateMoSiLuisHontiveros @edatemosiidol,” lahad ni Luis sa kanyang Instagram.

Abangan ang fun at exciting virtual date ni Luis ngayong Huwebes (October 29), 8pm, sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page.

Sheena Halili, sinorpresa ng asawa

MAY sweet anniversary surprise na natanggap ang Kapuso actress at soon-to-be mommy na si Sheena Halili mula sa kaniyang asawang si Jeron Manzanero.

Ibinahagi niya ito sa kaniyang latest vlog na “Our 3rd Anniversary.” Akala ni Sheena ay simpleng celebration lang ang pagsasaluhan nila, pero sa dulo ng video ay napaiyak na lang si Sheena sa regalong ibinigay ni Jeron na picture frame na kasama ang sonogram ng baby nila.

Panoorin ang full video sa YouTube channel ni Sheena.

Sanya tampok sa Halloween special ng #MPK

Sanya Lopez
Sanya Lopez

ISANG nakapangingilabot na kuwento ang handog ng ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado (October 31).

Ito ang istorya ni Mayet, isang babae na halos gabi-gabi ay nagiging biktima ng sexual assault mula sa isang demonyo. Pero dahil walang ibang nakakakita sa krimen, hirap siyang patunayan sa mga mahal sa buhay ang nangyayari sa kanya. Hanggang sa umabot na sa puntong nagiging sanhi ito ng pagtatalo nila ng asawang si Vic, na hindi rin naniniwala sa kanyang kalagayan.

Ang episode na ito ay pagbibidahan ng Kapuso actress na si Sanya Lopez, kasama sina Pancho Magno, Angeli Bayani, at Mon Confiado.

Abangan ang Halloween special ng #MPK – ang “Halimaw Sa Kama” – ngayong Sabado, pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal