Sheena Halili may pangako para sa baby

July 08, 2020
Sheena Halili

 PINAGHAHANDAAN na ng Kapuso actress na si Sheena Halili at asawang si Jeron Manzanero ang pagdating ng kanilang baby. Matatandaan na noong June 13 ay inanunsyo ng aktres ang pagbubuntis sa isang Instagram post at inulan ito ng congratulatory messages at well wishes mula sa fans at mga kaibigan sa showbiz.

Kahapon, ibinahagi rin ni Sheena ang kaniyang promise para sa baby nang mamili ito ng newborn clothes, “Ilang buwan ang nakalipas damit ko at ni daddy lang ang binibili ko. Ngayon, at mula ngayon, ikaw na ang uunahin ko! #newbornclothes. Eto ang first ever damiit na binili namin ni daddy para sa iyo.”