Home>Entertainment>Showbiz>Sheryl nag-focus sa hula hoop kaysa ‘utang’

Sheryl nag-focus sa hula hoop kaysa ‘utang’

Sheryl Cruz
Sheryl Cruz

IBINAHAGI ni Sheryl Cruz sa isang episode ng ‘Mars Pa More’ ng GMA Network kung paano siya natulungan ng paghu-hula hoop sa scoliosis niya. Aniya, “Kasi when you walk ‘di ba you tend to slouch most of the time, lalo na if you’re heavy. It helped me straighten my back. Yung posture ko, mas maayos siya.”

Bukod sa nakatutulong sa weight loss, magandang full body workout din daw ito. Dagdag na tip ng actress para sa beginners, gumamit muna ng bigger o heavier hoops dahil mas mabagal na rotation ng katawan ang kailangan nito kumpara sa mas maliliit na hoops.

Samantala, marami ang nagsabi na tama ang ginawa ni Sheryl na hindi sinagot ang isang babaing nag-aakusa sa kanya na diumano, nagkaroon siya ng pagkakautang dito noong kumandidato siya bilang konsehal sa Maynila.

It’s a case of miscommunication between the two parties, sabi ng observers. Less talk, less mistakes.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal