Sheryl at Sunshine nag-reunion

October 22, 2019

Nitong Lunes, October 21 pagkatapos ng “Eat Bulaga” natunghayan ang pagsisimula ng pinakabagong afternoon TV drama series na “Magkaagaw” na tinatampukan nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz mula sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr.  Tampok din sa nasabing serye sina Klea Pineda at Jeric Gonzales kasama sina Polo Ravales, Dion Ignacio, Dennis Padilla, Lovely Abella, Isay Alvarez, Patricia Tumulak at Joanna Marie Tan at kung saan may special participation ang actor-politician na si Alfred Vargas.

Nagsilbing reunion TV project nina Sunshine at Sheryl ang “Magkaagaw” matapos silang magsama sa hit TV series na “Bakekang” in 2007 na pinamahalaan din ni Direk Gil Tejada, Jr. under GMA.

Inaasahang madu-duplicate ng “Magkaagaw” ang hit afternoon TV drama series ni Sunshine na “Ika-6 Na Utos” na dinirek ni Laurice Guillen at kung saan naka-bituin ni Sunshine sina Gabby Concepcion at Kapamilya star na ngayon na si Ryza Cenon.  Ang nasabing serye ay umabot sa ere ng dalawang taon mula 2016 to 2018.