Shooting ni Jane para sa ‘Darna,’ natuloy na

January 20, 2020
Angel Locsin, Jane de Leon,Liza Soberano

IT was in 2013 nang unang lumabas ang balita na si Angel Locsin ang gaganap na bagong Darna sa pelikula which was officially announced by Star Cinema in 2014.  But a year later, nag-back out sa role si Angel dahil sa kanyang back injury.

Naghintay ang Star Cinema na gumaling si Angel pero hindi na nito tinanggap ang proyekto dahil na rin sa advise ng kanyang doctor.  In 2017, it was announced na si Liza Soberano na ang papalit kay Angel sa role bagay na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga.

Just when Liza was already starting her training for “Darna” ay nagkaroon naman siya ng finger injury habang ginagawa nito ang “Bagani” TV series with boyfriend Enrique Gil.  Liza had her finger operated in the US.

April 2019 nang tuluyang umatras si Liza sa “Darna” project pero months later ay agad nakahanap ang Star Cinema na bagong gaganap sa Pinoy super heroine sa katauhan ng dating Girltrends (all-female dance group ng “It’s Showtime) member na si Jane de Leon na huling napanood sa hit primetime TV series na “Halik”.

Halos kasabay ng pag-atras ni Liza sa “Darna” ay nag-back out din ang original director ng proyekto na si Erik Matti at siya’y pinalitan ng writer-director na si Jerrold Tarrog.  And after months of preparations for the project ay tuloy na rin finally ang paglipad ni Darna dahil nagsimula na ang shooting ng bagong Darna movie.

When the role was offered to Jane, agad siyang sumailalim ng iba’t ibang training including stunts and fight scenes at regular siyang nagdyi-gym for her fitness program.  Talagang pinaghandaan ni Jane nang husto  ang kanyang bagong role na ginagampan.

Si Jane ang pang-14 na actress to portray the role of “Darna” which was created by the late novelist Mars Ravelo and artist Nestor Redondo.

Ang nasabing nobela was serialized sa Pilipino Komiks in May 1950 at makailang beses nang ginawang pelikula maging sa telebisyon.

Ang mga female star na gumanap ng “Darna” include Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Mones, Gina Pareno, Vilma Santos (thrice), Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin at Marian Rivera.

Si Jane ay inaasahang magiging major star sa taong ito dahil sa kanyang pagganap na “Darna”.