Shootings, tapings hinto muna dahil sa COVID-19

March 14, 2020

ANG mga artista ng isang television network ang humiling sa management na ipahinto muna ang taping ng mga television series na kanilang pinagbibidahan habang matindi pa ang banta ng COVID-19.

May mga anak ang mga artista na aming tinutukoy at hindi sila masisisi dahil pinahahalagahan nila ang kapakanan, hindi lamang ng kanilang pamilya, kundi ng lahat.

Postponed din ang shooting ng mga pelikula ng Viva Films at Regal Entertainment Inc. dahil pa rin sa  pinangangambahan na COVID-19.

Malungkot na sinabi ni Regal Entertainment Inc. executive producer Roselle Monteverde na simula ngayong March 15, ipagpapaliban muna niya ang shooting ng kanilang mga movie project.

“On behalf of Regal, sadly, we need to postpone all scheduled shootings from March 15 until situation permits or until community quarantine ends or gets lifted. Stay safe everyone,” ang mensahe na ipinarating ni Roselle sa lahat sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.