Si Iza at ang iba pang celebrities na lumaban sa Covid 19

March 29, 2020
Iza Calzado

HABANG patuloy ang paggaling ng actress na si Iza Calzado na positibo  sa coronavirus (Covid-19), hindi namin maialis ang aming paghanga sa kanya dahil sa ipinakitang tapang na labanan ang sakit na dumapo sa kanya at maipakita sa lahat ang kanyang sitwasyon.  Isa rin itong reminder sa lahat na hindi puwedeng balewalain ng publiko ang killer virus na ito na walang pinipili kung kanino kakapit.

Kapag gumaling na si Iza nang tuluyan, she will be the second personality mula sa showbiz na gumaling sa coronavirus  next to drama king Christopher de Leon na nakalabas na ng pagamutan last March 24 at  naka-self quarantine ngayon sa kanilang bahay.

Samantala, nakabalik na sa Los Angeles, California, USA last March 27 ang mag-asawang Hollywood actors na sina Tom Hanks at Rita Wilson matapos silang maging positibo ng coronavirus (Covid-19) sa Australia kung saan sila pareho na-quarantine sa loob ng dalawang linggo.

Ang iba pang mga kilalang personalidad tulad na bumuti na ang lagay ay ang British actor na si Idris Elba at ang kanyang misis na si Sabrina Dhowre, ang actress na si Olga Kurylenko, ang wife ng Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau na si Sophie Gregoire Tradeau, ang dalawang basketball players ng Utah Jazz Team na sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell, ang basketball player na si Kevin Durant, gayundin ang actors na sina Kristofer Hivju, Rachel Mattews at Indira Varma, ang singer na si Charlotte Lawrece,  si Prince Albert of Monaco, si Prince Charles, ang Prince of Wales na ama nina Prince William at Prince Harry, si Marcus Smart ng The Boston Celtics, ang Prime Minister ng U.K. na si Boris Johnson, ang actress na si Debi Mazar, Andy Cohen, Colton Underwood, Sean Payton na siyang head coach ng New Orleans Saints,  ang dating “Hawaii Five-0” star na si Daniel Dae Kim at iba pa.