Si Sarah ang nagsabit ng bagong ranggo ni Matteo

August 21, 2019
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

ISA nang ganap na 2nd Lt. ng Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines ang singer-actor at althlete na si Matteo Guidicelli matapos ang isang formal ceremony na ginanap sa Ft. Bonifacio last Tuesday, August 20 kung saan ang longtime girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo ang nag-sabit ng kanyang pin.  Naroon din siyempre ang pamilya ni Matteo na proud sa kanyang bagong achievement.

Natutuwa rin si Matteo na marami na rin sa kanyang mga kasamahan sa showbiz ang sumailalim ng training bilang army reservist at kasama na rito sina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce at Yves Flores.  Malamang na ito’y gawin din ni  Robin Padilla isa sa mga araw na ito.

Ang singer-actor-director at ex-husband ni Sunshine Cruz na si Cesar Montano ay nagpa-enlist na rin umano as reservist sa Naval Reserve Command ng Philippine Navy.

Si Matteo ay sumailalim ng month-long military training sa Camp Tecson in San Miguel Bulacan nung nakaraang last week of May up to June as compared kina Gerald, et al na umabot lamang ng tatlong araw.

On March 29 next year ay magti-thirty years old na si Matteo at dito na marahil magpu-propose ang binata sa kanyang longtime girlfriend na si Sarah Geronimo.

Si Sarah bale ang pinakamagatal na naging kasintahan ni Matteo.

Kasama sa naging ex-girlfriends ng singer-actor-athlete at entrepreneur ay sina Maja Salvador, Jessy Mendiola at ang fashion model na si KC del Rosario.